View RSS Feed

Thinking Out Loud

Laging Mananalig

Rate this Entry
by , 1 Week Ago at 10:21 AM (33 Views)

Sinasabing ang buhay ay parang gulong


Minsan nasa itaas ka, minsan nasa ibaba

Ngunit bakit pakiramdam ko’y lagi akong sawi’t talo

Kailan pa kaya iikot ang gulong ng buhay ko?



Iikot pa ba kaya ang nasabing gulong?

O mananatili na lang akong nadadaganan nito?

Ito ba talaga ang kapalaran ko?

O ito ba ang guhit ng palad ko?



Hindi! Hindi ito kapalaran lang


At lalong hindi naman guhit ng palad

Sa halip, ito ang aking buhay

Ang buhay na sa aki’y sadyang ibinigay.



Kaya sa Diyos ako laging mananalig


At sa Kanya manggagaling ang aking lakas

Siya lamang ang lahat-lahat sa akin

Sa puso ko mananatili Siya hanggang wakas.

Submit "Laging Mananalig" to Digg Submit "Laging Mananalig" to del.icio.us Submit "Laging Mananalig" to StumbleUpon Submit "Laging Mananalig" to Google

Tags: blog, faith, life, poem, tula Add / Edit Tags
Categories
Poems