Ang Biblia Ay Gamot Sa Mga Taong Nakakalimot.

  • Christian Chat is a moderated online Christian community allowing Christians around the world to fellowship with each other in real time chat via webcam, voice, and text, with the Christian Chat app. You can also start or participate in a Bible-based discussion here in the Christian Chat Forums, where members can also share with each other their own videos, pictures, or favorite Christian music.

    If you are a Christian and need encouragement and fellowship, we're here for you! If you are not a Christian but interested in knowing more about Jesus our Lord, you're also welcome! Want to know what the Bible says, and how you can apply it to your life? Join us!

    To make new Christian friends now around the world, click here to join Christian Chat.
J

jer2911

Guest
#1
Madalas nating marinig ang mga katagang ito, “Ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot.” Bilang Kristiano, direktahin na natin kung ano talaga ang gamot. “Ang Biblia ay gamot sa taong nakakalimot.” Dahil ang Biblia ay punong-puno ng paalala.

Mga Taga-Roma 15
Verse 4 Sapagka’t ang anomang bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw nga mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pag-asa.
Verse 15 Ngunit sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios.

Copied from Biblehub:
[TABLE="width: 100%"]
[TR]
[TD]

[TABLE="width: 100%"]
[TR]
[TD]<< 1 Mga Taga-Corinto 10 >>
1 Corinthians 10 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)[/TD]
[TD][/TD]
[/TR]
[/TABLE]
[HR][/HR]​
1Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat; 2At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat; 3At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu; 4At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.5Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.
6Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa. 7Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw. 8Ni huwag din naman tayong makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo. 9Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas. 10Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak. 11Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. 12Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal. 13Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.
14Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.
[/TD]
[/TR]
[/TABLE]

Nawa’y bigyan natin ng pagpapahalaga ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay si Hesus, na nagbigay sa atin ng magandang halimbawa ng isang hindi nagbale-wala ng paalala. Ang mga disipulo na nagpahalaga sa paalala ng Lumang Tipan. At ang mga disipulo na nagbigay paalala sa Bagong Tipan.

Magpaalalahanan tayo sa bawa’t-isa. Hindi ayon sa ating salita kundi ayon sa Biblia.

Mismong Biblia ang gamot sa taong nakakalimot!