I want to apologize for writing in my language...I just want to express myself better
thank you everyone ❤
Hi!Jell
Hindi ako masyadong nagkokomento dito sa mga seryosong bagay unless may alam ako o naranasan ko rin ang bagay na yon...
Kakahiwalay lang namin ng kasintahan ko...naging kami ng mahigit na 6 na taon. Ang kasintahan ko ay mas bata sa akin ng 10 taon pero sabi naman niya di naman daw yon hadlang.
Siya ang una at nagiisa kung kasintahan. Naguusap kami araw araw sa telepono . Magkahiwalay kami siya ay nasa ibang bansa. Pero kami ay nagkikita umuuwi siya sa Pilipinas pero dahilan sa siya ay Hindi believer marami kaming differences pero dahilan sa mahal ko nga binigay ko ang lahat ng pag-iintindi sa kanya. During the first 2 years ng aming relasyon...ako ang gumagawa ng lahat ng paraan para kami at makapag-usap...para lang tumibay at tumatag ang aming samahan...nalagpasan namin ang dalawang taon na yon...unti-unti siyang nagbago at nagbibigay na ng effort kahit papano...bawat pagkukulang niya at pinupunuan ko...nagrereklamo man ako ngunit sa isip ko lang..
After 3-4 years ng relasyon namin... A yon na natauhan siguro He started to reciprocate... At siyempre naging mas masaya ako dahil nakita ko na finally nagbigay na siya ng effort Hindi man equally pero mas mabuti kaysa dati..
Marami pa kaming pinagdaanan...yaong may nagsend sa akin ng litrato niya na tadtad ng halik sa leeg...ngunit pinatwad ko siya ng buo at kinalimutan ang pangyayaring iyon...nagkita kami ulit at nagsabi na ako sa kanya kung kaylan niya balak na kami at magpakasal dahil sa loob ng apart na taon di manlang ako nakarinig na may balak siya para sa amin.
Last year nagkita kami ulit sinabi ko sa kanya at sabi niya ok...next year we will go home again at magpapakasal na kami nitong taon nato mga June or July sabi ko ok...at bumalik na ulit siya sa ibang bansa...
Pero around August or September nanlamig siya until sinabi niya na kesyo magkaiba kami ng pananaw di daw siya sure na makakayanan niya yon...madaling sabi pagkatapos ng isang linggong di pinapansin messages ko yon nakipaghiwalay sa akin...
Nasaktan ako masyadon pero tinanggap ko Hindi ko na siya kinausap...
Mga may or June this year kinokontak niya ulit ako...diko na pinansin hanggang sa bumigay din ako...naging kami ulit...Hindi nagsorry basta kami nalang ulit siyempre mahal ko...ok lang sa akin...
Umuwi kami sa amin...3 linggo kaming magkasama pero wala parin siyang sinasabi na itutuloy pa ba namin ang kasal hanggang sa makauwi siya.
Noong nakaraang buwan...tinanong ko ulit siya sabi ko anong balak mo sa akin...Para sa amin..may balak ba siyang pakasalan ako...ang sagot niya "Hindi daw siya naniniwala sa kasal" nanginig ako..ibig sabihin pinaasa lang niya ako...pinaikot-ikot...wala palang balak bakit pa niya pinatagal ang relasyon alam naman niya kung ano ang gusto ko at yon lagi ang sinasabi ko sa kanya ang makasama siya habang buhay.
Sinabi ko sa kanya ok...wala naman palang patutunguhan ang relasyon to maghiwalay na tayo...ayaw niya... Pero ako na nagkusa makipaghiwalay...Hindi ko siya sinumbatan kahit ano...Hindi ko siya kinausap mga isang buwan kahit nangungumusta siya...nagoffer pa siya na tulungan ako sa pagpapagamot sa tatay ko sa maynila a week ago kasi napatext ako sa kanya na may sakit tatay ko...pero diko tinanggap pagkatapos noon diko na ulit siya kinausap.
Isang araw binuksan ko FB ko...at tsinek ko ang wall niya at friends bigla ang puso ko ay parang dinaganan ng buong bahay ng makita ko ang isang babae na ang profile picture ay siya at yong babae. Imagine wala pa kaming 25 days na nagkahiwalay mayroon na siya agad...and this girl ay nagsasabi na tungkol sa kasal at pagkikita nila
Ibig sabihin noon matagal na pala niya akbuhokong niloloko ang mga bagay na napapansin ko sa kanya ay to too pala...yong mga hinala ba...Tawag siya ng tawag noong sinend ko picture nila sabi niya ako daw mahal niya...panpalipas oras lang daw niya...ngunit Hindi parin ako bumalik kasi maliwanag pa sa sikat ng buwan na ginawa lang niya along 2nd option hanggat wala pa siyang nakikita... Dahil alam niya kasi na palagi lang ako open sa kanya kahit kailan niya gustong bumalik...
6 years along pinaasa,sinayang ang panahon ko pinaikot-ikot
diko yon nakita dahil sa sobrang pagmamahal
Dami kung pinalagpas na mabubuting lalaki dahil sa kanya
naging faithful ako sa 6 na taon na yon.
Tinanggap ko siya buong-buo kung anong klase siya... Kahit na dalhin dalhin niya ako sa mga bar at kahit di bukal sa loob ko sumasama ako...binigyan ko siya ng pagmamahal na Hindi niya makikita sa iba... Is a lang ang diko binigay sa kanya ang makipagtabi sa kanya sa 6 na taon na yon...pinagsuapan naman namin yon at nakikipaglaban ako talaga kasi alam mo naman ang lalaki...lalo na at bata pa at di believer...
Durog na durog ang puso ko...may mga araw na nagprapray ako na puro lang iyak...may mga araw na parang wala ng direksiyon buhay ko iniisip ko 39 na ako ano pa ang magiging future ko...kaylan ko pa makikita ang magmamahal sa akin ng to too bukod sa Diyos...kaylan pa...?
Pero mas nanaig parin ang pag-asa na darating din ang para sa akin....one step at a time pasasaan ba at ang aking direksiyon na tinatahak ay tutuwid din...Pasasaan ba at ang napakalalalim na sugat sa puso ko ay gagaling din...basta ang tingin lang ay Hindi pabalik....pero pasulong...
May mga gabing napupuno ako ng lungkot may mga araw na napapiyak nalang ako...may mga araw na parang ayaw ko na...pero bigla nalang lagi may humahaplos sa aking puso at bumubulong sa akin na...may pag-asa pa.. di kita iiwan... Alam ko siya Yon... Ang DIYOS! Si HESUS! at muli bumabalik ang aking pag-asa at lakas...kaya ko to kahit paunti-unting hakbang lang...dahil alam ko siya ang ilaw na gagabay sa akin...ang mga bisig na yayakap sa akin....ang lakas na aking magiging sandalan sa araw araw
Bata ka pa mas marami pang magagandang bagay darating sa iyo in the future at maeenjoy mo
One step at a time sis
you'll get there
Ang haba
God bless you and I will include you in my prayers ❤ Kaya natin to sis Kasama natin ang DIYOS ❤