Wat was the msg ?
Was any female there ?
Do you think it have female angels ?
Angels are spirit beings and they can take any shape or form, they can appear as light, a ball, a doll, a girl, a man with wings, anything, etc.
About the message, here is the long one about the Lord himself, and He says in original Tagalog language:
"Kayong lahat nang magsisipakinig ay makinig kayo, Ako ang inyong Panginoong Diyos, kanino kayo matatakot? Ako na Makapangyarihan sa lahat, kanino kayo masisindak? Tandaan ninyo na pag Ako ang nasa tabi ninyo ay wala kayong dapat katakutan, wala kayong dapat ipangamba sapagka't Ako ang magliligtas sa inyo sa anumang kapahamakan kung kayo'y magtitiwala sa Akin at Ako'y ituturing n’yo bilang inyong kaligtasan at buhay na walang hanggan. Bilang inyong Panginoon na inyo lamang sasambahin at wala ng iba, ang nag-iisang Diyos na umiiral sa sangkalangitan, sangkalupaan o sansinukob man. Ako na lumikha ng lahat ng bagay, Ako na nagbigay buhay sa inyo, kanino kayo pupunta? Kung hindi man sa Akin ay wala na kayong ibang pupuntahan."
“Tandaan ninyo na ang buhay na walang hanggan at ang inyong kaligtasan ay nasa Aking mga kamay. Kung gusto ninyong maligtas, halikayo’t lumapit sa Akin. Kung gusto ninyo ng buhay na walang hanggan, halikayo’t magsitawag sa Akin. Ako’y inyong pagkatiwalaan sapagka’t pag hindi ninyo nagawa ang bagay na ito ay wala kayong kaligtasan at buhay na walang hanggan. Wala kayong pupuntahan kundi kapahamakan at kahirapan. Sapagka’t kung kayo’y sa Akin lalapit ay wala kayong ibang makakamtan kundi kapayapaan, kapayapaan kung inyo itong tatamuhin kung Ako’y inyong pagkakatiwalaan, kung kayo’y magtitiwala sa Akin nang buong puso at buong pag-ibig ninyo. Buong pag-ibig n’yo Akong iibigin at wala kayong ibang sasambahin kundi Ako lamang, Ako na nag-iisang Panginoon n’yo.”
"Tandaan n'yo na sa lahat ng oras na kayo'y nangangailangan ng tulong ay nasa tabi n'yo lamang Ako, nasa Akin man kayo o wala ay nasa tabi n'yo lamang Ako't tumatanglaw sa inyong daan upang makita n'yo ang kaliwanangan at lalo ninyong makikita ang landas patungo sa kaharian ng langit kung kayo'y magbabalik loob sa Akin, tatalikdan ang inyong mga masasamang gawain at inyong haharapin ang Aking mga yapak at sususdan n'yo ang Ilaw ng sanlibutan. Tandaan n'yo. Ako'y Panginoon n'yong Diyos na mapanibughuin kaya't wala kayong ibang sasambahin kundi Ako lamang. Wala kayong ibang tatawagin sa oras ng pangangailangan kundi ang Aking pangalan at kayo'y Aking iaalis kung saan man kayo naroon at ni galos ay wala kayong matatamo kung Aking loloobin."
"Tandaan n'yo na Ako ang may hawak sa inyong buhay kaya't ang buhay n'yo ay sa Akin nakasalalay. Tandaan n'yo na kung nuong una ay wala kayo sa Akin ay may demonyo nang umaaligid sa inyo upang tuksuhin kayo ay dodoblehin pa nito kapag kayo'y lumagay sa Akin. Kung tatlo ang demonyo sa inyo nuong una ay mahigit sampu ito kapag kayo ay lumagay sa Akin sapagka't kayo-y kanilang hahatakin upng kayo'y maligaw pa ng landas. Tandaan ninyo na kung Ako'y sumasainyo, gayundin naman kayo'y sumasaakin at lahat kayo na tatawag sa Akin sa tamang paraan ay Aking hihirangin sa sanlibutan. Kayo'y Aking hinihirang upang magkalat ng Aking banal na salita. Kayo'y magsiyaon at gawin n'yong mga Aking alagad at disipulo ang lahat ng mga bansa at kayo'y Aking binabasbasan sa pangalan ng Ama, sa pangalan ng Anak, at sa pangalan ng Banal na Espiritru."
“Tandaan n’yo na kung nuong una ay kakampi n’yo ang sanlibutan, sa paglagay n’yo sa Akin, kayo’y kapopootan ng sanlibutan sapagka’t kayo’y hindi na taga sanlibutan kundi kayo’y Aking hinihirang sa sanlibutan upang magkalat ng Aking banal na salita. Tandaan n’yo na sa lahat ng gagawin n’yo, Ako’y nasa likod n’yo. Tandaan n’yo na sa bawat kilos n’yo, sa bawat bulong ng inyong puso, sa bawat sigaw ng inyong damdamin ay Aking naririnig kaya’t wala kayong maililihim kahit ang hindi ibinubuka ng inyong bibig ay Aking malalaman. At tandaan n’yo na walang ibang maliligtas sa sanlibutan kundi ang mga tao na sa Aki’y tapat, na sa Aki’y tumatawag, na sinusunod ang kalooban ng Aking Ama, sinusunod ang kalooban Ko, sinusunod ang mga utos Ko, walang ibang sinasamba kundi Ako, ginagawa ang lahat ng Aking pinag-uutos nang bukal sa kanilang kalooban at ito ay ang Aking iglesya, ang Iglesya Ni Cristo.”
“Hindi sino pa man ang maliligtas kung kayo man ay nakapaloob sa Aking iglesya na ngayon ay tinatawag nilang Iglesya Ni Cristo ngunit ang totoo nito, ito ay sa tao. Tandaan n’yo na ang Aking iglesya ay hindi mayabang, hindi nagpapaimbabaw, hindi nagpapakamataas man na sasabihin at ipapangaral na sila lamang ang maliligtas kundi ang Aking iglesya ay nakakalat ng kaligtasan, hindi ipinangangalat na sila lamang ang maliligtas. Ang gawain ng Aking iglesya ay magkalat ng Aking banal na salita, umakay ng mga taong naliligaw ng landas at walang ibang sasambahin kundi Ako, Ako na inyong Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat.”
“Tandaan n’yo na sa Aki’y walang imposible kaya’t kahit ano man ang inyong hilingin na sa inyo’y imposible kung ito’y makabubuti sa inyo ay hindi ko kayo ipagdadamot, hindi ko ipagdadamot ang inyong hinihiling. At tandaan n’yo na sa Aking iglesya ay walang sinumang tao ang tatayo upang magpaliwanag ng banal na kasulatan o umakay pa man sa mga tao na sila ang magpapaliwanag at sila ang tatayo bilang pastor sapagka’t sa Aking iglesya Ako lamang ang Pastor na tatayo sa inyong harapan. Tandaan n’yo na ang dalawa o tatlong nag-uusap ukol sa Akin nang walang anumang pagtatalo, Ako’y nasa kanilang gitna.”
“Tandaan n’yo na sa Aking ministeryo o sa Aking iglesya lahat kayo ay pantay-pantay, walang mataas at walang mababa, walang mayaman at walang mahirap, walang maliit at walang matangkad, walang kapansanan at walang malusog, lahat kayo’y pantay-pantay. Kung kayo man ay may karamdaman ay kapantay n’yo pa rin ang walang karamdaman sapagka’t lahat kayo ay magaling sa espiritwal. Sapagka’t ang inyong nararamdaman ay sa laman lamang.”
"Ako ang Pastor, Ako ang Mabuting Pastor. Tandaan n'yo na walang ibang magtuturo sa inyo kundi Ako. Kung kayo man ay magpapaliwanagan, iyon ay ayon lamang sa inyong kalooban, iyon ay ayon lamang sa sarili n'yong pag-iisip. Kaya't tandaan n'yo na sinumang tao na tatayo bilang pastor, na tatayo bilang pinuno ng Aking iglesya, ay siya'y gumagawa ng katampalasanan at inaagaw ang Aking puwesto, bilang ang Mabuting Pastor. Sapagka't kayo'y tao lamang, kayong mga napapastor, kayong mga nagtututro at tumatayo sa harapan ng mga tao, kayong mga gumagwa ng katampalasanan, kayong mga nagpapalayas ng mga demonyo sa Aking pangalan, tandaan n'yo na sa Aking muling pagbabalik ay maraming tatawag sa Akin, Panginoon, Panginoon, hindi po ba't kami'y mga gumawa ng makapangyarihan at sa pangalan Mo'y nagpalayas kami ng mga demonyo, kami'y nagpagaling. Nguni't tandaan n'yo, sasabihin ko sa kanila, kailan man ay hindi Ko kayo nangakikilala, hindi Ko kayo nakilala kailan man, kayong mapaggawa ng katampalasanan, kayong mga nagpapalayas ng mga demonyo. Tandaan n'yo na kapag kayo'y nagpalayas ng demonyo ay inaagaw n'yo ang papel na dapat ay sa Akin. Kung meron mang inaalihan ng demonyo na kayo'y makakasalamuha, kayo'y manalangin na lang sa Akin at gayon naman Ako'y nakahandang duminig sa inyong panalangin at Aking diringgin ang bawa't hinaing na ibubulong sa Akin, na inyong isisigaw, na inyong ipapanalangin. Kayo'y Aking tutulungan at hindi ko kailan man pababayaan lalo na ang mga taong nasa Akin na sa Aki'y sumusunod."
“Tandaan n’yo, Ako at ang Ama ay iisa. Walang imposible sa Akin sapagka’t Ako ang Makapangyarihan sa lahat, Ako na inyong Pnaginoong Dios. Tandaan n’yo na kahit sino mang tao’ng magpagaling sa pananaw ninyo ay tandaan ninyo na Ako lamang ang nagpappagaling. Kahit pa ang demonyo na si satanas na pinakamalakas sa lahat ng demonyo, ang malaking dragon at ang matandang ahas na tinatawag na diyablo at satanas ay hindi makalalapit sa inyo kung dala n’yo ang Aking pangalan. Wala silang magagawa kundi ang pag-usigin kayo. Tandaan n’yo na pag kayo’y lumagay sa Akin ay ihanda n’yo ang inyong mga sarili sa pag-uusig sapagka’t kayo’y kapopootan ng sanlibutan. Sapagka’t kayo’y hindi taga sanlibutan kundi Aking hinihirang sa sanlibutan. Tandaan n’yo na Ako’y nasa tabi n’yo lamang anumang oras na kayo ay tumawag, kayo’y Aking diringgin.. Nguni’t tandaan n’yo na kung Ako’y inyong itatakwil ay wala kayong ibang pupuntahan kundi kahirapan at kapighatian.”
“Kung inyong mapapansin ang nagyayari sa sanlibutan, sino ang tumatawag sa Akin? Sino ang nanawagan sa Aking pangalan? Wala, iilan lamang sa sangkatauhan. May kapayapaan bang natatamo ang sanlibutan? Sapagka’t ang kanilang ginagamit ay ang sarili nilang katalinuhan at hindi sila kailan man dumadalangin sa Akin. Ano’ng nangyayari? Nagpapatayan. At ang kumakalat ngayong sakit ay kaparusahan sa mga tao na kakampi kanino man sa dalawang panig na ngayon ay maiinit na naglalaban. Sapagka’t ang Aking iglesya ay hindi sumasali kailan man sa mga kaguluhan bagkus siya’y nagdadala pa ng kapayapaan at nagtuturo ng tamang daan upang matahimik ang lugar sa kung saan ay may kaguluhan.”
“Inyong tandaan lahat ng Aking ibinibigay na aral sa inyo at wala kayong ibang sasambahin kundi Ako, Ako na inyong Pangionoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Ako na Mabuting Pastor, Ako na Tagapagligtas ng sanlibutan, Ako na lumikha sa inyo, Ako na nagpapagaling sa inyo, Ako na nagbigay buhay sa inyo, Ako na Makapangyarihan sa lahat, na sa Aki’y walang imposible kaya’t wala kayong ibang pupuntahan kundi Ako lamang. Kaya’t kayong lahat ay magsaya at magdiwang sapagka’t nakita n’yo ang ibabaw ng mundong ito. Magsaya kayo nang araw na kayo’y isinilang sapagka’t nakita n’yo ang kasamaan ng sanlibutang at ang kabutihan ng mga tao na sa Aki’y lumagay. Sapagka’t masuwerte kayo at kayo’y binigyan Ko ng buhay upang lumakad sa landas patungo sa Aking kaharian. Tandaan nyo na Ako’y nasa tabi n’yo lamang anumang oras na kayo’y tumawag. Ako’y handang sumagot sa inyo at Ako’y handang tumulong. Tandaan n’yo lahat ng Aking tinuturo at kayo’y kailan may hindi Ko iiwanan sapagka’t kayo’y nakilala ko na at Ako’y nakilala n’yo na rin. Tandaan n’yo na sinumang tao’y walang karapatang magpaliwanag ng banal na kasulatan sapagka’t hindi n’yo alam kung anong paraan nang pagpapaliwanag n’yan bagkus kaho’y magpaliwanagan na lamang nang ayon sa inyong pag-iisip nagng ayon sa inyong pagkaka-intindi. Tandaan n’yo na sa Akng iglesya ay walang sinumang tao na tatayo bilang pastor spagka’t Ako ang Mabuting Pastor.”
oooooOOOOOOOOOOOooooo
"Tandaan n'yong lahat kayong mga naghahanap sa Panginoong Diyos, Ako na Makapangyarihan sa lahat, kung Ako ay nais n'yong makilala ay hanapin n'yo Ako ng bukal sa inyong kalooban at tanggapin n'yong lahat at isabuhay, sundin, gawin, at ipangalat ang Aking Banal na Salita at ang Aking kautusan. Kung kayo'y naghahanap ng kaligtasan, kung nais n'yong matamo ang buhay na walang haggan, halikayo't lumapit at bukas ang Aking iglsya sa inyong lahat. Kayo na nagsisihanap sa Akin, tandaan n'yo na sa Aking iglesya, lahat kayo ay pangtay-pantay, walang mayaman at mahirap, walang matalino at mangmang, walang may kapansanan. Kung kayo man ay may karamdaman ay kapantay n'yo pa rin ang may kagalingan. Wala kayong titingnang mataas at wala kayong titingnang mababa. Lahat kayo ay pantay-pangtay lamang."
"Ako lamang ang mas nakatataas sa inyo, Ako na inyong Diyos, Ako na Mabuiting Pastor, Ako na Dakilang Manggagamot. At ito pa ang inyong tandaan na sa Aking iglesya ay walang mamumuno na tao, walang tatayo bilang pastor sapagka't Ako lamang ang Pastor. Lahat ng kasapi sa Aking iglesya ay siyang magkakalat ng Aking salita. Walang bata at walang matanda sapagka't bawa't isa'y bibigyan ko ng katalinuhan upang maipangalaat ang Aking kautusan at ang Aking salita sa lahat ng bansa, sa lahat ng tao, at sa anumang dako ng sanlibutan."
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
“Ako’y Panginoon ng kapayapaan kung ang kapayapaan ay sumasainyo. Ako ay Diyos na mapanibughuin kaya’t huwag kayong magkakaroon ng ibang Diyos liban sa Akin. Kapayapaan ang Aking dala kung ang mga tao’y may kapayapaan kung sila’y nag-uusap. Ngunit Ako’y Panginoon ng tabak at Ako’y mapaghiganti sa mga tao na tabak din ang kanilang dala.”
Note: Try to copy and paste this message in the Google Translate, click Filipino to English translation.